Isa akong bilango... gusto kong kumawala pero alam kung imposible! Bilang isang babae madalas na pasan natin sa ating mga balikat ang bigat ng kinabukasan ng ating mga pamilya. Umaasa ang lahat sa atin, nasa kamay natin ang bawat magiging kinabukasan ng ating mga anak maging madilim man ito o kasing liwanag ng sikat ng araw sa tangahling tapat.
Alam ko, wala akong karapatang umasta o magtanong ng ganito. Subalit sa bawat nilalang o maging sa isang inang katulad ko dumarating sa atin ang mga pagkakataong ganito. Parang bakit ganun? Ganito ba talaga? Wala na bang ibang paraan at paano ko matatakasan ang lahat ng ito?
Gusto mo mang lumaya o lumimot alam mong imposible! Hindi kaya pwedeng sa pagtulog ko mamayang gabi ay magpatuloy na lamang ako sa isang mahaba at mahimbing na pag-idlip, at saka lamang muling magigising kapag alam kong handa na ulit akong gampanan ang pagiging isang ina o asawa?
Paano nga ba hahanapin ang isang sarili? kung alam mong ang bawat paghinga mo ay hindi na dahil sa hangarin mong mabuhay bilang ikaw ay ikaw, kundi dahil ikaw ay isang ina at isang asawa na.
Para bang ang bawat nilalang na pumasok sa ganitong buhay ng pag-aasawa at pamilya o pagkakaroon ng anak ay nabubuhay na lamang sapagkat alam nilang may mga taong umaasa sa kanila. Dahil dito nawawalan tayo ng karapatang hawakan at gumawa ng desisyon para sa sarili natin.
Kagabi sabi ko sa partner ko ..."bored na ako, at nagsasawa na ako sa lahat ng bagay na ginagawa ko kakaiba man ito o normal" ang sagot niya "magpakamatay na kaya tayo?" isang suggestion na alam kong hindi nakakatawa o nakakatakot, dahil alam kong iyun din ang solusyon sa mga ganitong problema, iyung tipong sawa ka na sa lahat ng bagay. Kaso narinig ng anak namin at ang sabi nang pagalit at mataray "Anong sabi nyo!?" Sabay irap sa aming dalawa ng ama niya.
Nagkatinginan na lamang kami ng partner ko... Oo nga naman hindi na namin hawak ang aming mga sarili, pag-aari na ito ng mga anak namin, at syempre wala kaming karapatang tapusin ang mga buhay namin na hindi na namin pag-aari. Pareho na kaming alipin ngayon, at bilang isang alipin wala kaming gagawin kundi ang alagaan at siguraduhing nasa mabuting kalagayan ang mga anak namin maging ang kinabukasan nila.
I rest my case...
5 komento:
Mayroon bang totoong malaya ???
Hanggat apektado tayo ng ating
damdamin (nalulungkot kapag walang
pera, asar kapag di nakuha ang gusto, takot at nagaalala kung paano na ang kinabukasan at kung ano ano pang ibat ibang damdamin),
ito ay nangangahulugang lamang na tayo ay alipin at sumusunod kung ano ang dinidikta ng mga emotions ng isang tao.
Hanggat di natin kayang baliwalain ang ating nadarama ay alipin nila tayo at magiging sunudsunuran sa kanilang epekto sa ating pagkatao, bawat araw, bawat panahon.
So mayroon ba kayang tunay na malaya at hindi isang alipin ???
Wala marahil, so kung magiging alipin ako. Mas pipiliin kong maging alipin ako ng masayang desposisyon, alipin ng pagiging mapagmahal, alipin ng pagiging kontento, alipin ng pagiging maligaya sa anumang sitwasyon,
alipin ng pagtitiwala sa DIYOS.
:-)) :-)) :-))
seryoso naman masyado itoh hehehe....oo korak tama ka dyan lahat tayo ay alipin! he,he
kantahin mo na lang ang 'alipin' by shamrock hehehe. sabay sigaw ka, ako si jang geum!!!!
shamrock? nakakain ba yun?
hindi. tinitimpla :)
Mag-post ng isang Komento