Abril 27, 2005

Naglalabas lang ng sama ng loob....

H indi ko alam kung paano ko ma-ilalabas ang sama ng loob kong ito kasama ng pagwasak ng aking puso (magdrama daw ba?). Minahal ko ang lalaking ito at ang tanong na lagi kong sinasabi ay mahal din ba ako. Oo, lumalabas kami, nag-da-date at kwentuhan pero matagal na iyon. Nang malaman nyang mahal ko na siya, Para talaga akong binagsakan ng malaking bato as in malaking bato! (hindi ng langit at lupa). Sinabi nyang hindi niya masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay ko, mas gugustuhin pa daw nyang maging magkaibigan kami kaysa mawala ako. Ganon? Pagkatapos mong sipsipin ang aking kabataan at angkinin ang buo kong katawan! Anong klase kang nilalang?
Dumaan ako sa bahay nya para may ibigay ang mga mahahalagang dokumento na pinakuha nya sa akin. At sa pag upo ko pa lang, eto kaagad ang aking nakita. aba...isang sandals ng babae? Madali ko agad nilinga ang buo nyang kabahayan, nasaan ang babae? gusto ko siyang tanungin saan mo itinago?! maya-maya bumukas ang pintuan ng banyo. At ang lumabas...daraaaann....isang hindi maipaliwang na nilalang! hindi naman ako bitter pero ng makita ko ang babae, nak ng teteng! eto ba pinagpalit mo sa akin? Ang unang tanong na pumasok sa isip ko, anong meron siya na wala ako? ang tanging lamang lang nya ay ang isang linya nyang kilay at mahabang buhok. Kung paitiman din ng kulay parehas kami at parehas maliit. kaya nga lang mas malapad ang mukha nya! (laitin daw ba). At ang Put^@5$ inang babae yan! gusto kong hubarin ang suot suot nyang robe na robe ng mahal ko na ako ang nag susuot dati! Hindi talaga ako makatiis, pero dahil propesyonal pokpok ako este mataas ang level ko, civil ako sa kanila. at ang mahaderang babae bumalik pa sa kwarto? ano ito for the second time around?
nawala talaga ang respeto ko sa kanya. Nasaan ang sinasabi nyang hindi na siya na iinlove dahil sa mga nakaraan ng relasyon? na ayaw na nya ng sex? na tabaho muna bago babae? ganoon ba talaga ang mga lalaki? Basta sa babae at tamaan ng init ng katawan ay nawawala na sa kanilang mga sarili? kunsabagay hindi ko sila masisi. Tayong mga babae ay mabubuhay kahit hindi makipag talik. HIndi katulad ng mga lalaki. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Hindi kaya nakarma na ako at kailangan ko ng magbalik loob sa Diyos? Grabeh hindi na kayanan ng powers ko makita silang dalawa at sa ganitong sitwasyon pa na mukhang masaya, enjoy magkasama!
Umalis ako sa bahay nya ng masamang masama ang loob! Gusto kong magwala. Sabi pa ng isa kong kaibigan, hindi siya kawalan at wala akong karapatan dahil wala kaming relasyon at totoo naman. Pero bakit ako apektado? Gayong napag-usapan na namin na hangang mag-kaibigan na lamang kami. basta galit ako sa kanya at nawala na ang respeto ko. Sabi naman ng isa ko pang kaibigan, marami ka pang titing makikita diyan!
At eto lang ang masasabi ko:
Sa Aking Papa o sa Lalaking Minsan kong Minahal - etong sau...(put!@^# ina ka!) hindi naman ako masyadong galit. Hahabulin mo din ako, luluhod sa aking harapan at mag-mamaka awang tanggapin at ibigin kang muli. bwahahaha....
At sa babaeng haliparot - taas ang kilay ko! Mas maganda pa din ako! hindi ko alam kung saang planeta ka galing at anong klaseng nilalang ka, huwag lang mag-krus ang landas natin dahil kapag iyon ay nangyari, dila mo lang ang wlang latay! babalatan kita ng buhay at lalagyan ng asin ang buong katawan, papatakan ng kalamansi saka ka ibibilad sa araw! (takutin daw ba?). Malamang ginayuma mo lang siya!
posted by: panic queen

Abril 25, 2005

Semana Santa...

K anina pa ako nag hihintay dito sa labas ng bahay nila Andrea. Semanata santa kasi ngayon at tulad ng dati, mag liliwaliw at magsasaya na naman kami. Nakagawian na kasi namin. Usapan namin hindi na ako mag do-door bell dahil alas kwatro pa lang at masyadong maaga. Isa pa, ayaw kong istorbohin si tito mark.
Halos sabay na kaming lumaki ni Andrea, sa katunayan, siya ang pinakamatalik kong kaibigan, magkaklase kami mula elementarya hangang sekondarya. Samantala nung college, magkaklase lamang kami sa ibang mga subjects. Maganda, matalino, tahimik at wala akong nababalitaan na nag boyfriend si Andrea, samantalang ako, maingay, madaldal, bulgar, madaming papa, siguro pwede na din yung matalino. Ganoon ata talaga siguro dahil ako lang ang nag-iisang babae sa pamilya at ang apat kung kapatid ay puro barako. Nag-iisa lang siyang anak, maaga siyang naulila sa ina sa edad na 6 na taong gulang. at ang kanyang ama na si Tito Mark ang mag-isang nagtaguyod sa kanya.
Tuwing mahal na araw, lagi kaming nag 0-out of town ni Andrea, at isang lugar lang ang lagi naming pinupuntahan, ang bahay bakasyunan namin sa probinsya sa mindoro, wala na kasing nakatira buhat ng mamatay ang aking lolo't lola. Nag-paparty kami dun, inuman, kainan, movie marathon at minsan nagsasama kami ng kaibigan pero "for girls" lang. Minsang napagkatuwaan naming manood ng isang porno. Grabe talaga pag puro babae ang magkakasama. Nakakatuwa. Sobrang saya diba? Pero sa grupo, tanging si Andrea lang ang tahimik, palibhasa konserbatibo at walang karanasan, sabi ko pa sa sarili ko habang tinitingnan siya. Siya tuloy ang tapunan ng tukso. Ang mdalas nga nyang sabihin sa akin pag tinutukso ko siya sa mga nanliligaw nya, "gusto ko tulad ng dadi ko, mabait at responsableng lalaki". Naku wala na atang ganoon, sabi ko noon sa kanya.
Minsan, tinawagan ako ni Andrea, umiiyak siya. Kailangan daw nya ng makakusap. Mugtong mugto ang kanyang mga mata. At unang tanong nya sa akin ay "Masaya ba talaga ang umibig? Ikaw, gaano mo kamahal ang boyfriend mo?" Nagulat ako. "putang inang tanong yan! putang ina ang mga lalaki! ano ka ba, alam mo namang titi lang ang habol ko sa mga yun noh! maliit, malaki, katamtaman, maputi, maitim, ano mamili ka?" pabiro ko pang sagot sa kanya. Pero tanging tingin lang ang sagot nya sa akin "bakit mo ba natanong? wag mong sabihing may bf ka na? wala ka namang binbangit sa akin". "break na kami, pinagpalit nya na ako". Hindi ako kumibo. Malihim din pala si Andrea kahit sa akin. Siguro natatakot siyang sirain ko ang bf nya sa kanya. Sa akin kasi ang mga lalaki pare pareho. Puki lang ang gusto. " Sino ba yan? san mo nakilala? kilala ko ba? Alam ba yan ni tito mark?" sunod-sunod ko pang tanong sa kanya. "Si Francis. balak ko na nga siyang ipakilala sayo eh. si dadi? wala namang siyang pakialam sa akin magmula ng mag-ka girlfriend siya. at isa pa malapit na silang ikasal. Ayaw nyang ipaalam kasi alam mya ayaw ko dun sa babae". Iyon ang huling usap naming dalawa. At mag-iisang buwan ng hindi ko makausap si Andrea, hindi na pumapasok at lagi daw nagkukulong sabi ni tito mark. ayaw tumangap ng kahit na sinong bisita. Ganyan siguro kapag first love, isip ko pa. Tumawag na lamang siya sa akin isang araw bago mag semanta.
Ngayon, semana santa na naman. Sabi ni Andrea, magkita kami at makikilala ko na daw si Francis pero mag aala-sais na, hindi pa din lumalabas si Andrea. Bukas ang ilaw sa kwarto ni tito mark. Sinubukan kong pihitin ang pintuan. Bukas. Dahan dahan akong pumasok at umakyat sa kwarto nya. Pinihit ko ang pintuan, bukas din pero wala si Andrea. Maya-maya ay nakarinig ako ng isang iyak. Iyak ng isang babae. at nagmumula ito sa kwarto ni tito mark. ewan ko ba pero para bang may nagtutulak sa akin na buksan ko ang pinto at alamin kung sino ba ang babaeng umiiyak. Maingat kong binuksan ang pintuan. May nakita akong lalaki, naka dapa, duguan, at nang tuluyan ko ng mabuksan ang pinto, nakita ko si Andrea. Si Andrea, nakaupo sa kama at siya ang umiiyak. Hubo't hubad siya ganoon din ang duguang lalaki. hawak hawak nya ang kutsilyo at madaming dugo. Hindi ako makapag salita. nakakalat ang kanilang mga damit sa sahig. Nakita ko ang lalaki...parang...parang kilala ko siya. Kinuha ko ang wallet at nabasa ko sa ID - Mark Francis Morales. Si..si tito mark. Si tito mark ang sinasabi ni Andrea na bf nya. Halos hindi ako makagalaw. Nanlamig ang buo kong katawan at napaluhod sa sobrang panghihina ko. Si Andrea ay patuloy sa pag-iyak. Kinuha ko ang kutsilyo at dinala sa banyo. at doon nakita ko ang isang pregnancy test at ang sabi - positive. Napaluha ako. lumabas at niyakap ang matalik kong kaibigan. "Mahal ko siya, mahal ko siya at alam ko mahal din nya ako kaya nag bunga ang aming pagmamahalan! ayaw ko siyang mawala, sabi ko kay mama aalagaan ko siya at kami ang magsasama habang buhay! pero gusto nya akong iwanan, gusto nyang lumayo kaya...kaya pinatay ko siya!". Hindi ako nakapag salita. Dinamitan ko si Andrea at niyakap ng mahigpit. Tama sila, dapat tayong mag nilay-nilay tuwing mahal na araw dahil sa pagkamatay ni Jesus na tumubos sa mga kasalanan natin. At ang araw na ito..mahal na araw ay araw ng pag titika.....

Abril 20, 2005

May Bago ng Papa...Eh Ano Ngayon?

"Whoever they vote for, we are ungovernable"-Anarchist Balck Bloc
Kagabi habang pinapanood ko ang pang-gabing edisyon ng mga balita, natuon ang pansin ko sa balitang matagumpay daw ang election na naganap sa pagpili ng bagong Papa o lider ng simbahang katoliko. Ito'y ayon sa sa TV reporter na kasalukuyang nasa Roma ng mga sandaling iyun at naghahatid ng live telecast.
Hindi ko alam kung manhid ako o talagang walang pakialam, habang nagdiriwang ang lahat, ang iba naman ay nagsabing nakakapangilabot daw ang kaganapang iyun. Ako nama'y hindi man lamang natinag sa balitang iyun, o sige may bago nang papa, pero ang balitang iyun para sa akin ay walang importansya, isa lamang ito sa mga balitang madalas kong mapanood sa TV at madinig sa radyo. Para sa marami ang pagkahirang kay Pope Benedict the 16th ay isang napakahalagang pangayayari sa kasaysayan ng mundo. Siguro nga napaka-importante ng kaganapang iyun, importante ito para sa simbahang katoliko, sa mga taga-sunod nito at maging duon sa may ibat-ibang paniniwala at relihiyon.
Pero bakit ba wala akong pakialam? Siguro dahil para sa akin, ang naganap na election ng mga cardinal' s sa pagpili ng bagong papa o pinuno ay isa lamang gawain upang ipagpatuloy ang nakagisnan nilang trdaisyon. Dahil nga sa pumanaw na ang dating Papa na si Pope John Paul the 2nd, natural lamang na may pumalit sa kanya. Nasana'y kasi tayong lahat na may tinitingalang lider o pinuno. Para bang hindi tayo mabubuhay o hindi natin mapapatakbo ang sarili nating buhay kapag walang namuno sa atin. Maging sa aspektong spiritwal na masasabi nating pribado at transcedental naghahanap pa rin tayo ng ibang tao na siyang magdidikta at gagabay sa ating buhay spiritwal. Hindi ba pwedeng tayo na mismo ang magdesisyon, pumili at magpatakbo sa aspektong ito ng ating pagkatao? Sa dami ng relihiyon at ibat-ibang sekta nito na may ibat-iba ring paniniwala, hindi natin masasabi o matukoy man lang kung alin sa mga ito ang totoo at tama! Kung tama man ang isa at ang iba ay huwad, paano naman ang ibang taga-sunod duon sa mga sa mga sinasabing huwad? Siguro hindi kasalanan ng isang tao maipanganak siya sa middle east at maging muslim, o ng isang ipinanganak sa israel ang maging hudyo, o ng ibang ipinanganak sa India na maging Hindu, o ng isang ipinanganak sa China na walang relihiyon o ng kung sino pa man na naniniwala sa Buddhismo o ako na bininyagang katoliko. Ibig sabihin ba nito magdurusa ng habang-buhay, masusunog sa kumukulong asupre at apoy o magiging pinakamababang uri ng insekto o bacteria ang maraming tao kung sakaling totoo nga ang mga paniniwalang ito?
Teka, lumalayo tayo... o sige na nga may bago ng papa eh ano ngayon? Makakamit na ba natin ang world peace? Matitigil na ba ang giyera? Mapapakain na ba lahat ng mga nagugutom? Maisasalba na ba ang kalikasan sa tuluyan nitong pagkasira? Makakapagtrabaho na ba ang mga unemployed? Matatangap na ba ang relasyon ng parehong kasarian? Matitigil na ba ang karahasan sa mga bata at kababaehan? Tuluyan na bang masusugpo ang droga at kriminalidad? Hindi na ba magkakaroon ng bagyo, landslide, lindol, unos, tsunami at iba pang kalamidad? Syempre ang sagot HINDI!!!!
Pero malamang dadami pa lalo ang mga taong nagbubulagbulagan at nabubuhay sa takot. Mga taong binabalewala ang pagkakataon nilang mabuhay ng makabuluhan dito sa mundo, dahil sa umaasa silang mabubuhay sila ng matiwasay at habang panahon sa isang mundong binuo sa ngalan na takot at salapi...
Sige may bago nang Papa, pero sigurado wala pa ring magbabago...parang o sige may bago na tayong halal na pangulo... eh ano ngayon? Kahit ilan pang Papa o Presidente at anumang pinuno ang ipalit at ihalal ng marami sa aspektong politikal o spiritwal ito lang ang masasabi ko... EH ANO NGAYON?!
Eventually the system will reach a point- th eword that provides the social cue is "integration"- where the universal dependence of all moments on all other moments makes the talk of casuality obsolete. It is idle to search for what might have been a cause within a monolithic society. Only that the society itself remain the cause-
Theodore W. Adorno (Negative Dialectics)

Abril 13, 2005

Isda

Mahilig ba kayo sa isda? Hindi iyong mahilig kayo kumain ng isda ha, ang ibig kong sabihin mag-alaga ng mga isda dahil naaaliw kayo sa kanila o may aquarium ba kayo sa bahay. Ako, simula pa noong bata ba ako tuwang-tuwa na talaga ako sa mga isda. Ang dati kong tinitirhan noong nasa kolehiyo pa ako, sa bahay ng tita ko ay may malaking aquarium, at madalas akong nakatanga sa harapan ng aquarium na yun.
Siguro iyun ang dahilan kung bakit matagal ko nang gustong magkaroon ng sariling aquaruim at mag-alaga ng mga isda. At ngayon ngang kaya ko nang bumili ng sarili kong alagang mga isda, kinausap ko ang kinakasama ko tungkol sa bagay na ito. Ewan kung badtrip sya sa mga isda o kung talagang ayaw nya lang na gumastos nanaman ako ng ilang daan para sa mga bagay na hindi naman masyadong kailangan, ito ang sinabi niya "Ano ka ba, hindi magandang mag-alaga ng mga isda lalo na't bibilhin mo ang mga ito sa petshop". Hindi ko na sya tinanong kung bakit iyun ang sinabi nya, kaya ang ginawa ko. Bumili ako ng dalawang goldfish, isang water pump, kristal bowl at iba pang abubot ng aquarium at iniregalo ko sa anak kong dalawang taon gulang.
Ang sabi ko, "hindi ko yan binili para maging alaga ko, binili ko yan para iregalo sa anak ko (kahit na wala namang okasyon ng araw na yun)at syempre kailangan kong alagaan at linisan ang aquarium na yan dahil hindi naman kaya ng batang dalawang taon ang mag-alaga ng isda sa aquarium".
Kaya ng ma-iayos ko na lahat ang aquarium at mailagay ang mga isda dito, tuwang tuwa ako at aliw na aliw sa dalawang goldfish na paikot-ikot at palangoy-langoy sa maliit kong aquarium! Nakakatuwa naman talaga slang pagmasdan diba? Lalo na ang mga goldfish dahil sa makintab na balat ng mga ito. Napansin ko matakaw at malalaki ang tiyan ng mga goldfish na ito at kapag dumumi aba'y napakahahaba ng dumi nila!
Lumipas ang ilang araw, parang nakakasawa rin palang titigan buong maghapon ang mga isda, o siguro kaya naibsan na ang tuwa ko sa aquarium dahil sa wakas nagkaroon din ng katuparan ang pangarap kong magkaroon ng isa nito? Napansin ko parang walang buhay at paulit-ulit lamang ang mga isda sa ginagawa nilang paglangoy, ni minsan ata hindi ko sila nakitang natulog? ah,basta pakiramdam ko hindi na ako naaaliw sa kanila. Walang bago kundi ang mga duming lalong dumadami na nagpapabaho at nagpapalabo sa tubig ng aquarium. Ay!wala nang thrill, pakiramdam ko nakakabagot ang buhay ng mga isdang ito. Nakakulong sa isang maliit na babasaging bowl na may artificial na halaman at hangin, pati pagkain nila halos isubo na sa kanila!
Naisip ko, nakakaramdam din kaya ng pagka-inip ang mga isdang ito? Katulad din kaya sila ng tao na minsan gustong lumaya, makawala, mamasyal at tumuklas ng ibang daigdig? Siguro sa liit ng aquarium ko kabisado na ng mga isdang ito ang bawat sulok at anyo ng aquarium. Malamang nabilang na din nila kung ilan ang buhangin na naroon.
Bigla ko tuloy naisip na pakawalan na lamang ang dalawang isdang ito, sa pinakamalapit na dagat sa lugar namin. Kaya lang ang malaking ikinatatakot ko, hindi kabisado ng mga isdang ito na nabili ko sa isang sikat na petshop at lumaki sa aquarium, na may artificial na kapaligiran kung ano ang takbo ng buhay sa dagat.
Natatakot ako na baka kapag pinakawalan ko sila ay bigla silang ma-excite sa bago nilang paligid, at hindi nila mamalayan ang mga panganib na naghihintay sa kanila sa bago nilang mundo. Paano kung may dumating na malaking pating? Malamang lahat ng isda na naroon ay nagtakbuhan na at nagsipagtago, samantalang ang dalawang goldfish na ito ay walang gagawin kundi ang magtaka at matulala kung bakit nag-alisan na lahat ng mga isda!Eh di mas mapapaaga ang buhay nila dun sa dagat kung sakali!
Teka, ano nga ba ang dapat kong gawin? nalilito tuloy ako eh, kung ibabalik ko naman sila sa petshop, baka mabili lang sila ng isang walang pusong gusto lang mag-alaga ng isda para patayin sa gutom. Siguro mas mabuti pang isipin ko na lang na ang dalawang goldfish na ito, ay nabuhay upang maikulong sa isang maliit na aquarium. Minsan may nabasa ako, ang mga goldfish daw ang uri ng mga isda na marunong mag-adapt sa kanilang paligid, kaya kung maliit ang aquarium hindi sila lalaki ng sobra dun sa aquarium na pinaglagyan sa kanila. Siguro tama nga, kasi yun din ang napapansin ko sa mga alaga kong goldfish, kaya siguro hindi rin sila nag-aanak o dumadami sa aquarium kasi alam nilang sisikip lalo ang mundo nila kapag nagdagdag pa sila ng isa. Mabuti pa ang mga isda sa aquarium marunong mag-family planning!
Tama nga sigurong manatili na lamang sila sa aquarium ko, ito ang mundong nakagisnan nila, at mahihirapan silang baguhin ito at ang takbo ng buhay nila, sabi nga ng marami mahirap baguhin ang nakasanayan na!
Parang tayo, namulat tayo sa nakagisnang relihiyon, paniniwala, lipunan at kultura ng ating mga magulang, na ipinasa naman nila sa atin; at syempre umaasa silang ganun din ang gagawin natin sa mga magiging anak natin. Oo nga't nakaka-inip, walang thrill, paulit-ulit, nakakabagot at konbensyunal pero ito ang ating "comport zone", hindi man tayo masaya alam naman nating mas ligtas at mas kabisado natin ang takbo ng ganitong buhay.
Subalit ganun pa man, may mga pagkakataon pa rin na isa o dalawa sa atin ang hahamon at pilit na babago sa nakagisnang ito. Para sa mga isda ko, siguro bukas makalawa maiibsan na rin o tuluyan nang mawawala ang nararamdaman kong pangamba para sa kanilang kaligtasan, kapalit ng buhay nila na maaaring maiksi subalit makabuluhan.


written by Luann

KLITORIKA- Disclosure Policy

This policy is valid from 03 May 2008


This blog is a personal blog written and edited by me. For questions about this blog, please contact Me - klitorika@klitorika.com.


This blog accepts forms of cash advertising, sponsorship, paid insertions or other forms of compensation.

The compensation received will never influence the content, topics or posts made in this blog. All advertising is in the form of advertisements generated by a third party ad network. Those advertisements will be identified as paid advertisements.

The owner(s) of this blog is not compensated to provide opinion on products, services, websites and various other topics. The views and opinions expressed on this blog are purely the blog owners. If we claim or appear to be experts on a certain topic or product or service area, we will only endorse products or services that we believe, based on our expertise, are worthy of such endorsement. Any product claim, statistic, quote or other representation about a product or service should be verified with the manufacturer or provider.

This blog does not contain any content which might present a conflict of interest.


To get your own policy, go to http://www.disclosurepolicy.org

Abril 11, 2005

Maskara...

Image hosted by Photobucket.com

Napanood nyo ba ang pelikula ni Sharon Cuneta, ang "idol" daw ng masa na pinamagatang "Bukas Luluhod ang mga Tala? Ewan kung ito nga yun, pero kung Oo ang sagot nyo alam mo ang kontrobersyal na dialogue na "Your nothing but a second rate trying hard copy cat!" At kasunod ng linyang iyun ay ang eksenang bubuhusan nya nga alak ang babaeng kontrabida. Ang taray diba?

Sana magawa ko rin ang ganyang eksena sa mga taong masasabi nating "Nothing but a Second Rate Trying hard Copy Cat" kaya lang malabo ata dahil mabait ako masyado para gawin ang ganyang eskandalo. Hindi ko naman sinasabing perpekto akong tao at masyado akong magaling, matalino, maganda at kaakit-akit, dahil ang totoo 99.99 percent lang ang taglay ko sa mga katangiang iyun. Ehem...Ito ay isa lamang obserbasyon na nais kong ilapat sa papel. Halos buong buhay ko na yatang ipinagbubuntis ang obserbasyon na ito at pilit na syang kumakawala sa pinagtataguan ko nito sa isang sulok ng aking isipan.

Bakit ngaba may mga taong mapagpangap at pilit na itinatago sa isang maskarang mapanlinlang ang tunay nilang pagkatao? Alam kong hindi lingid sa atin na halos 90 percent ng tao sa buong mundo ay nagtatago sa isang maskara. At maraming halimbawa at may ibat-ibang uri ng mga taong ganun. Ibat-ibang pagkatao, katangian at ibat-ibang uri ng maskara, depende sa mga imaheng gustong ipakita ng may suot nito. Kung isusulat ko naman ng isa-isa ang mga halimbawang iyun, aba'y mauubos ang 100 leaves na yellow pad na ito!

Sa totoo lang isang halimbawa lang ang gusto kong bangitin na talaga namang tatama at sapul sa kung sino mang nilalang dyan, ayun nga sa isang kasabihan "Bato bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit". Natatandaan ko pa noong taong 2000 halos ilang buwan din ako tumambay at natulog sa luneta. Teka sino nga bang hudas ang nagdala sa akin sa lugar na yun? Ahhh, tama si Randy! Inosente pa ako noon medyo may kinikimkim na galit sa sarili at sa mundo. Siguro nasa ikatlong taon ako noon sa kolehiyo, kahit na sabihin nating nag-aaral ako, ako ang tipo ng estudyanteng ayaw na ayaw pumasok sa eskwela. Pakiramdam ko kasi sa tuwing papasok ako sa skul lalo lamang nababawasan ang kaalaman ko, parang lalo akong nabo-bobo at nagiging mangmang sa tuwing nakikinig ako sa kung sino mang professor ko noon. Nagkaroon tuloy ako ng paniniwala na ang eskwelahan ay binuo upang nakawin ang kakarampot na ngang kaalaman ng mga kabataan.
At dahil sa ayokong pumasok sa eskwela wala akong ginawa kundi ang sumali sa mga libre o murang workshop ng photograpy, creative writing at scriptwriting. Pati ata theater, sinubukan kong salihan at dun ko nalaman na masyado ata akong mahiyain para umarte sa harap ng maraming tao. Aba'y mas gugustuhin ko pang mag P.A. o kaya'y magsulat ng script sa halip na maging artista sa entablado. Ah, siyanga pala ayoko ko ring mag-make up artist!
Minsan nakilala ko si Randy sa isang workshop na sinalihan ko rin, para sa akin isa sya sa 10 percent na tao sa buong mundo na natitirang hindi gumagamit ng maskara. At dahil alam kong totoo sya at may pagka-abnormal din kagaya ko nagkasundo kami at dun nagsimulang mawasak ang mga pangarap ng mga magulang ko para sa akin.(he,he, joke lang pareng randy)
Nagsimula na akong sumama sa mga kung anu-anong activities at kabaliwan for ART Sake daw, ni Randy at ng iba pa nyang kaibigan, kabarkada, at kasamahan na syempre hindi rin masasabing "normal" he,he. Noon gusto kong itanong sa kanya "Dont you have any normal friends?he,he" At dahil nga sa pasaway din akong katulad nila, na ngayon ay mas lalo pa atang lumalala! Walang nagawa ang matino kong sarili kundi ang sumunod sa pasaway at baliw kong sarili.

Naging adik ako lalo sa mga babasahin at libro, pero ngayon iyong mga binabasa ko ay iyong tipong makukurot ako sa singit ng nanay ko kapag nakita nyang hawak ko ang ganung libro. at syempre bukod dun sa mga babasahin na mumurahin at isusumpa ka ng simbahan mayroon ding librong iiwasan ka, pagtatawanan, tatawaging baliw at immoral ng lipunan. Bukod sa pagbabasa natuto din akong makinig at sumali sa mga debate at usapin laban sa simbahan, lipunan at sa lahat na ata.

Isa lang ang sinabi ko sa aking sarili ng mga panahong iyon, siguro kung hindi ako magiging masaya sa mga pinili kong basahin, sundin,paniwalaan at panindigan eh di sana'y noon pa tinigilan ko na at iniwasan ang mga tao at anumang impluwensyang sinasabi ng maraming makakasama. Naiisip ko, baka naman nagrerebelde lang ako kaya ako ganito? Siguro; hindi rin... kasi ang pagrerebeldeng ginagawa ko ay hindi para sirain ko ang aking sarili at pagkatao. Bagkus ay lalo kong nararamdaman na malaya ako, may sapat na kaalaman, mulat sa realidad ng buhay, may pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa, walang takot at higit sa lahat mas lalo kong naramdamang tao ako at buhay!

Noong magsimula akong tumambay at abutin ng umaga sa luneta, sabi nga nila lahat na ata ng uri ng tao ay nasa lugar na iyun may mga pulubi, magnanakaw, kriminal, makadiyos, pulitiko, mayayaman, mahihirap, mga sosyal at nagpapangap na sosyal, estudyante, mag-syota, matanda mga baliw at kung anu-ano pa. Syempre kung wala ako sa grupo ng mga baliw nasa mga estudyante ako.
Duon ko nakilala ang lalaking sa palagay ko ay "normal?" may pulitika, may alam sa sining, alipin din ng aklat at higit sa lahat matinong kausap. Matino nga ba? Siguro nga, siya lang kasi bukod sa mga kaibigan kong pasaway din, ang lalaking nakilala ko na pwede mong kausapin tungkol sa lahat ng bagay maliban sa sex. Madalas kasi may mga lalaking pagkatapos nyo mag-sex ay wala ring laman ang utak at dila kundi ang isyu ng sex ulit. Para bang ang buhay ay umiikot lamang sa sex at sa pagawa ng paraan kung paano ulit makakakuha ng ka-sex!
Naging nobyo ko ang lalaki, ewan pero yun ang tawag ng marami sa ka-sex at kasama mo palagi. Hindi ko alam kung nanligaw ba sya o hindi, basta ang alam ko nagse-sex na lamang kami at madalas na kaming magkasama at magkausap.
Halos sa luneta na rin kasi sya nakatira noon, duon natutulog, kumakain kasama ang iba pang pulubi at walang matirahan. Sa umaga naman pumapasok sa eskwela, hindi para magpaalipin sa institusyon, kundi ang pilit na wasakin ito at baguhin ang pananaw ng maraming estudyante ukol sa lipunan at pulitika. Para bang ginagamit nya ang pagpasok sa eskwela upang maimulat ang mga estudyante sa mundong pilit na ikinukubli ng lipunan sa isang uri ng maskara.
Nalaman kong may nobya din pala sya na kasama nya sa kanilang organisasyon, syempre wala akong pakialam sa kanilang dalawa sa tuwing magkasama sila. Naging kaibigan at nakilala ko rin ang iba pa nyang kasamahan at kaibigan pati na ang nobya niya. At hindi kalaunan naging kasama na rin namin silang magpa-umaga sa luneta.
Noon akala ko kabilang din sila sa mga taong pilit na binabago ang lipunang nakagisnan. Siguro nga sa ibang paraan, sa mga maliliit na pagkilos katulad ng pagsama sa rally at kamuhian ang gobyerno at sistema. Alam ko sila din ang mga tipo ng taong kagaya ko ay makakaramdam din ng pagiging "IBA" sa nakararami. Iyun kasi ang ipinapakita nilang imahe sa akin, malamang tama ako duon. Mulat din kasi sila at halos karamihan sa kanila ay alipin din ng mga libro at kun ano mang babasahin. Dahil dito naniwala akong katulad ko nga sila! Katulad sila ni Randy at ng mga nauna kong kaibigan...
Minsan nabalitaan kong nalaman ng nobya ng lalaking naging nobyo ko na rin siguro? Ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Halos maloka ako sa naging reaksyon ng babaeng nobya ng lalaking minahal ko. Galit na galit daw ito at nag-eskandalo,pinagbabato,kinamuhian ang nobyo nya dahil sa akin. Teka, napakaliit namang isyu iyong malaman mong may ibang babae ang nobyo mo bukod sa iyo para umasal ng ganun ang babaeng iyun. Gusto kong matawa at manghinayang, "ano ba yan?" sa loob loob ko, bilib pa naman sana ako sa babaeng iyun. Akala ko ganun sya katapang, akala ko ganun kalawig ang kanyang isipan, akala ko handa niyang tangapin ang isang hamon ng lipunang kaiba sa nakagisnan ng marami. Ang pagtataksil ay normal at napakaliit na isyu, halos karamihan nga sa mga taong pilit na namumuhay ng normal ay gumawa ng ganun.
Kung ikaw ay isang nilalang na pilit na sumasalungat sa bulok na lipunang pilit na isinisiksik sa atin ng marami, o kung hindi man ikaw ay ang tipo ng taong naghahangad na maging iba sa karamihan at nangangarap na mabuhay sa isang lipunang malaya. Aba'y hindi ka magwawala at aarte ng ganun! Pinili mong makipagrelasyon sa lalaking alam mong may kakaibang paninindigan sa buhay. Sa katunayan nga ang katangian niyang iyun ang naging dahilan upang mahulog ang loob mo sa kanya. At ngayong nalaman mong nagkakaroon siya ng ugnayan sa ibang babae, at ito ay itinuring nyang bahagi ng kanyang pagtuklas at pag-unlad. Ang akala ko matututo kang mag-compromise, nariyan ang sakit at nabawasang ego, subalit dahil sa pinili mong maging ganito ka at maging iba sa typical na mga kababaehan, sana'y kinaya mong lunukin ang sitwasyon. Isa lamang ang ibig sabihin ng reaksyon ng babaeng ito, hindi nakayanan ng suot niyang maskara ang katotohanang likas sa tao ang tumuklas at magkagusto sa iba. Hindi rin nakayanan ng maskara na maninindigan sa imaheng pilit na idinidikta ng taong may suot nito.
Akala ko, mananatili at hindi magbabago ang pagtingin sa akin ng mga kaibigan at kabarkada nya. Dahil nga sa alam kong mulat sila at may malaking pag-unawa sa mga bagay sa paligid, inaasahan kong ang ganung isyu ay palilipasin nila at ituturing na lamang na bahagi ng isang karanasan at pagkagising. Mali pala ako, katulad ng mga normal na taong may takot sa imoralidad at naghahangad ng esklusibong relasyon, nagalit sila at nilibak ang lalaking nakarelasyon ko na naging kaibigan nila sa loob ng mahabang panahon, dahil dito tuluyan nang nasira ang pagiging magkaibigan nila.

Dahil sa pangyayaring ito, naging maingat na ako at mapili sa mga taong pilit na sumasama sa grupo ng mga kaibigan ko. Pakiramdam ko kasi nababawasan ang kalayaan kong sabihin at gawin ang mga bagay na gusto ko kapag hindi ko kilala ang taong kaharap ko. Naisip, ko hindi pala lahat ng mahilig magbasa, mulat, may pulitika, galit sa sistema, may angas sa lipunan, rebelde at nagpapangap na kakaiba ay totoo. Madalas karamihan sa kanila ay may suot na maskara, na pagdating ng panahong kailangan nang subukin ang mga paniniwala at mga pinaninindigan nila, ang mga maskarang suot nila ay unti-unting nababasag; dahil lamang sa isang isyung personal man o pulitikal na hindi kayang tangapin ng kanilang sarili bilang isang TAONG NORMAL...

Note: Bato bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit. Sana magsilbing pamukaw ang sinulat kong ito sa mga taong patuloy paring nagkukubli sa ilalim ng maskara.


Abril 10, 2005

Orgasm...

“If heaven exist, it most be a sexual moment frozen in time”-
Lucia (from the movie:The Cannibal’s Daughter)

Pasensya na kung medyo brutal ata ang title ko ngayon, pero gusto ko kasing talakayin ang pananaw ko ukol sa bagay na ito. Ano nga ba ang orgasm? Sabi nila emotional excitement daw ito. Pero mas madalas itong gamitin bilang pagsasalarawan o pagtukoy sa excitement na sexual o ang tinatawag ng marami na “Langit” na makakamit at mararamdaman sa pakikipagtalik.

Sabi nga ni Lucia sa pelikulang “The Cannibal’s Daughter” Matapos maramdaman ang kanyang unang orgasm sa loob ng napakahabang panahon, habang nakikipagtalik sa lalaking mas bata sa kanya ng sampung taon “Kung totoo man ang Langit, malamang ito ay isang karanasang sekswal na napako sa isang panahon” (Tama ba ang pagkaka-interpret ko?) Samakatuwid, ang langit ay pwede nating marating ng paulit-ulit sa buhay natin sa kasalukuyan, pero syempre, huwag nating asahan na makikita natin dun si San Pedro, joke!

Kayo nakaramdam na ba kayo ng orgasm? Ako sa palagay ko Oo, pero para sa akin mahirap isalarawan ang karanasang ito. Hindi sapat ang alin mang matalinhagang salita upang tukuyin ang damdaming at karanasang ito. Sa dami ng mga lalaking nakatalik ko, nagkaroon ako ng paniniwala na karamihan sa mga lalaki ay hindi alam ang tunay na kahulugan ng salitang “orgasm” para sa mga kababaehan.

Minsan habang nanonood ng pelikulang tumatalakay sa relasyon ng lesbian o babae sa babae, narinig kong nagkumento ang isang lalaking kakilala ko, “Nag-eenjoy kaya sila sa ginagawa nila?” sarkastikong tanong nito habang pinapanood ang eksenang nagtatalik ang dalawang babae. Para sa akin ang sagot sa tanong na iyun, ay isang malutong at siguradong “Oo”. Sa totoo lang mas nag-eenjoy ang karamihan sa mga babae habang nakikipagtalik sa kapwa nila babae (no emotion involved just plain sex ito ha). Bakit ko naman nasabi yun? Dahil ba sa naranasan ko na? Naranasan ko man o hindi alam kong tama ako. Dahil ang mga babae ay mas nag-eenjoy o nag-eenjoy lamang sa pakikipagtalik kapag mas mahaba at matagal ang “foreplay stage”. At bilang babae alam ko kung paano at ano ang makakapagpaligaya sa kapwa ko babae.

Aminin man ng mga lalaki o hindi, alam kong alam nila na pagdating sa sex mas marami sa kanila ang walang tiyaga o hindi marunong makiramdam sa damdamin ng kapareha nila. Ang akala nila sa pakikipag-sex kapag nag-penetrate na sila ay magkakaroon na ng orgasm ang ka-partner nila, habang sila ay nagco-concentrate kung anong pwesto at giling ang gagawin nila upang madali silang labasan. Marami sa mga lalaki ang nag-aakalang kapag nilabasan na sila ganun din ang naramdaman ng babaeng kapareha nila, ang hindi nila alam habang abala sila kung paano mararating ang “Langit” ang babaeng partner nila ay wala nang ginawa kundi umusal at mag-isip na sana ay matapos na ang pagkukunwari niyang nag-eenjoy sya. Aba, hindi ata madali at nakakapagod din naman ang umungol ng Ohhhh….at Ahhh…nang paulit-ulit lalo na’t napipilitan ka lang diba?

Ngayong naglabasan na at talamak ang mga sex toys tulad ng vibrator at dildo, hindi kaya natatakot at nadadagdagan ang insecurity ng mga kalalakihan? Hangang sa ngayon kasi na niniwala pa rin ako na daliri lang ang katapat ng mga lalaki! At maganda at effective na substitute din ang dildo o vibrator. Kaya dun sa mga kalahi ni Adan na itinuturing na “Diyos” ang balat at masel na nasa pagitan ng mga hita nila, aba’y gumising na kayo! Nagkakaroon na ng invasion ng mga silicone ngayon na tatapos sa paghahari nyo! At para naman dun sa mga nagpapakababa at nangangamba dahil ang tipo ng ari nila ay hindi man lamang nagpalit ng anyo simula noong elementarya pa sila, huwag po kayong mag-alala, ito lang ang masasabi ko kung may daliri at dila ka why bother diba? He,he…


Note: Pasensya na kanya-kanyang trip lang ha.

Image hosted by Photobucket.com


Ferality


If we "grown-ups" (borrowing the term from Antoine De Saint-Exupery's "The Little Prince") will ask what most children like, they will inevitably answer "play". But this word "Play" does not have a deeper meaning for most of us, in such a way that we are tangled with our daily endeavors which we think is very important. Whether you are a student, a parent, office worker, politician, social activist and most of all religious worker. We think that all of our chores must be taken seriously, so serious we make sure that this specific routine must pass to a protocol, should follow certain principle or standard set by our bosses, society, company, schools and other institutions alike. We do everything just to achieve our goals, and all of it has nothing to do with the word "play".
Recalling my experience with my two years old daughter, Samadhi, while she was playing in a certain park somewhere in Davao. Observing her, I found a deeper sense of understanding of how children relate the thing they called "Play". As I observed my daughter running around, picking up things, look at something, going near anything, stumping her bare feet on the ground, sensing the sand as it tickles her toes and almost bathing herself with muds. She act as if the world is a big playground, safe and comforting, giving her sense of security. But of course we "grown ups" know this world is not safe at all! with all the crimes, accidents and diseases. How come a child like my daughter feel secured during her playtime?
However, I let her go on with her playing and exploring, following her wherever she wanted to go, making sure from a distance that she won't hurt herself badly. With her running around bare feet and muddy, I notice people sometimes look at us with a sense of curiousity and repugnance, as if asking me why I let my daughter mess herself. Their look also tend to tell me that I've been an irresponsible father for not keeping my daughter neat and well-mannered in a public place like the park. Still, I ignore those accusing looks and then again followed my daughter as she approach other children, teenagers and some adults and would utter the word "play,play" (which means lets play) as she is pointing the direction where there are space provided for the children as their playground.
As my daughter approach one person to another uttering the word "play" she gets nothing but a curious look, a sad smile and worst refusal. But their reactions never seize her playfullness as innocent and free-spirited as she is, my daughter Samadhi did the only thing that makes her what she really is...Playing.

And as a father who was once a child, I uttered to myself "I wont let anyone, anyone at all spoil her first glimpse of what should be a total freedom is...

Note: This is not subject for academic criticism. However any comments are welcome. Gusto ko lang I-share sa inyong lahat, ang article na ito na sinulat ng taong pinakamamahal ko (Charing!) Si Jhoy bilang observation nya sa anak naming si Samadhi. Ito ay para sa lahat ng mga magulang at mga anak…

(What is essential is invisible to the naked eye-Little Prince )
Image hosted by Photobucket.com


Abril 7, 2005

Virgin...?

Taong 2000- "Virgin ka pa ba?", Minsan naalala kong tanong sa akin ng isa sa mga kabarkada ko. Dalawampung taon na ako noon at nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo. Nakakahiya mang aminin, o sadyang nakakahiya nga ba? Na sa panahon natin ngayon na tinatawag na "modernong panahon"... actually post modern time na nga! Isa ako sa mga babaeng, ewan kung malas o swerte, isa ako sa mga babaeng tinatawag nilang "virgin" o walang karanasan sa sex.
Isipin mo nga naman, dalawampung taon na ako at ni minsan hindi man lamang ako nagkaroon ng nobyo o bf sa loob ng mahabang panahon. Sabi nga nila "never been touch, never been kissed" talagang virgin! Bakit nga ba? Hindi naman siguro ako ganun ka pangit ano? O siguro dahil man-hater ang drama ko ng mga panahong iyon. Hindi yung tipong galit ako sa lalaki, mas gusto ko kasi silang barkada o kaibigan. Pakiramdam ko kasi, yung mga babaeng nangangailangan o naghahanap ng nobyo, ay yung mga babaeng mahihina... ewan ko, siguro hindi dapat mahina ang itawag sa kanila. Mas maganda sigurong sabihing "normal"! yun ang dapat itawag sa mga babaeng naghahanap ng boyfriend, na tipong kapag hindi sila nagkaroon ng boyfriend o walang nanligaw sa kanila feeling mga drama at super concious queen na sila! Para bang katapusan na ng mundo kapag bukas makalawa'y wala pa rin silang nobyo. hayzzz...
"O sige, virgin ako!" iyon ang sagot ko sa kabarkada ko. "Gaga ka, hindi mo ba alam na ang mga virgin hangang sa edad na 21 ay prone sa sakit na cancer!" Mayabang at malahenyong paliwanag sa akin ng kabarkada ko. Ewan ko wala naman siyang scientific facts at support dun sa sinabi nya pero naniwala ako! Sa madaling salita, dapat bago matapos ang taong ito ay hindi na ako virgin.
"Kailangan makahanap ako ng BF o kahit na sinong sasagot sa problema ko" yun ang sabi ko sa sarili. Nakakaloka talaga ang mga teenager! Sa halip na ang problema sa pamilya, pag-aaral ang atupagin nila mas binibigyan nila ng importansya ang mga isyu tungkol sa beauty, pimples, sex at virginity! Bakit hindi? May tamang panahon para sa ibang isyu at problema sa paligid, basta sa ngayon ang usapin sa virginity ang problema ko!
Teka, paano nga ba? Alangan namang manghila na lamang ako ng kung sinong lalaki dya sa tabi-tabi! Paano nga ba pumili ng lalaking masuwerte, o malas na lulutas sa problema ko. May mga pinakilala naman ang mga barkada ko, pero isa lang ang napansin ko sa mga lalaki. Karamihan ata sa mga lalaki abnormal! he,he May mayabang na wala namang laman ang utak, may relihiyoso namang kapit tuko sa nanay nila, may matalinong lampa, may gwapong masama ang ugali! Hindi ko type! Sino ba namang matinong babae ang magtyatiyagang makasama o makatabi ang mga lalaking ganito?
Ano nga ba ang tipo kong lalaki?Bago ang lahat sabi nila, dapat makikipag-sex ka lang sa lalaking mahal mo, lalo na kung first time diba? Iyong iba nga dyan tipong magpapakasal muna bago ibigay ang sarili nila sa kung sinong kalahi ni adan. naniniwala kasi ang karamihan na ang virginity daw ay parang isang babasaging kristal na dapat ingatan dahil sa walang katumbas na halaga nito (pwede kayang isanla?) At nararapat lamang na ipagkaloob ito sa lalaking mahal na mahal mo at magpapakasal sayo. Ok fine whatever! Wala akong balak magpakasal sa edad na dalawampu, at isa pa malabong magpakasal ako dahil unang-una hindi ako naniniwala sa kasal. Gusto ko lang mawala ang virginity ko bago matapos ang taong ito!
Minsan niyaya ako ng bestfriend ko na sumama sa pakikipag-eye ball niya sa ka chat niyang foreigner daw. Dahil wala naman akong gagawin ng gabing iyon, ay sumama na rin ako. 30 years old ang lalaki half singaporean at indian daw ang lahi niya... ewan ko kung paano nangyari yun pero in fairness maganda naman ang kinalabasan ng hitsura niya medyo maputi na bombayin ang dating. Nag-inuman kami sa isang bar sa malate, actually first time kong sumama sa mga ganoong gimik, madalas kasi bahay at eskwela lang ang drama ko. At dahil first time, madali akong nalasing, vodka ang ininum namin iyong uri ng alak na akala mo tubig kaya't iinumin mo ito ng walang ka-effort effort hangang sa hindi mo namamalayang lasing ka na pala!
dahil may kotse ang lalaki nag-alok syang ihatid kami ng kaibigan ko, Naunang inihatid namin ang kaibigan ko sa may sampaloc, dahil sa makati nakatira ang lalaki at halos malapit lang din dun ang inuuwian ko, kaming dalawa na lang ang natira sa sasakyan.
First time ko syang makita at makilala (in a sense na alam ko ang pangalan at work niya) ng gabing iyun, in short he is a total stranger at sampung taon ang tanda niya sa akin. Umiral ang katangahan ko ng gabing iyun at niyaya ko syang dumaan muna kami sa condo nya bago niya ako ihatid sa inuuwian ko. Medyo nagulat siya pero hindi naman nagdalawang isip na sundin ang suggestion ko. Pagdating sa condo niya, nag-inuman ulit kaming dalawa hangang sa hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. (Actually, alam ko pero wala na akong balak isulat pa yun, siguro next time na lang he,he)
Kinabukasan nagising na lamang ako na wala na ang problema ko! Sa totoo lang hindi ganun kadaling isipin na, at last hindi na ako virgin! Pero minsan may mga bagay lamang nagkakaroon ng halaga kung bibigyan natin ito ng importansya malalim na pagpapakahulugan. Ang virginity, pwede nating ituring na tanging yaman bilang isang babae o minsan pwede rin namang ituring ito na bahagi lamang ng isang karanasan at pagtuklas na walang malalim na kahulugan. Iyong tipong parang nagpabutas ka lang ng tenga?
Kaya nga nang magkita ulit kami ng barkada ko, syempre isa lang ang sinabi ko, "Hoy bruha, hindi na ako VIRGIN..."


Abril 5, 2005

PAPEL...

Image hosted by Photobucket.com
"Do not ask who I am and do not ask me to remain the same:
leave it to our bureaucrats and our police to see that our papers are in order." (m.foucault)
Unang Papel:
"Misis pirmahan nyo po itong BIRTH CERTIFICATE ng anak nyo, dito po nakasaad kung anong petsa at oras sya ipinanganak pati ang pangalan ng kanyang mga tunay na magulang. Dito nyo rin po malalaman kung ano ang kasariaan ng anak ninyo"
Sa tinatawag nilang Birth Certificate, nakasulat ang tamang oras at araw ng ating pagsilang. Nakasulat din dito ang ating kasarian na magiging gabay natin sa isang napakahalagang desisyon ng ating pagkatao.Para bang kapag wala kang ganitong papel ay hindi mo malalaman kung ikaw ba ay babae o lalaki? Pati ang pangalan ng ating mga magulang ay naririto rin. Eh para saan ang tinatawag nilang lukso ng dugo na likas na nararamdaman natin sa ating mga magulang, kapatid at kamag-anak?Paano kapag nawala ang papel? Ibig sabihin ba nito wala na tayong karapatang tawaging ina ang ating ina at ama ang ating ama? At tama nga ba ang papel sa pagsasaad ang tunay nating kasarian? Dahil sa papel na ito nagkaroon tayo ng dirkriminasyon sa mga bakla at lesbiana o yung mga tinatawag na third sex! Ang papel na ito ang nagdikta sa atin upang kamuhian at ituring na makasalanan ang mga taong sumunod at nagpalaya sa tunay nilang pagkatao.
Pangalawang Papel:
" Sa ngalan ng ama, ng anak at ng espirito santo, ikaw Juana Dela Cruz ay binabasbasan ko upang mapabilang sa simbahang katoliko, upang makamit mo ang kaligtasan at buhay na walang hangan. Magulang, kunin nyo sa secretarya ang kanyang BAPTISMAL CERTIFICATE"
Ang Baptismal Certificate ang ating pangalawang papel, ito ang nagpapatunay na tayo ay kabilang at sumailalim sa basbas ng isang relihiyong nakagisnan ng ating mga magulang. Ito daw ang ating pinanghahawakang dokumento upang makamit natin ang kaligtasan at buhay na walang hangan! Ang mga taong wala ng papel na ganito ay itinuturing na makasalanan at magdurusa sa buhay na ito. At wala silang karapatan sa tinatawag ng marami na kaligtasan o buhay na walang hanggan. (Ayoko na mag-comment dito.)
Pangatlong Papel:
"Misis ayon sa REPORT CARD ng anak ninyo mahina po siya sa klase, mahirap po siyang umintindi at hindi madaling matuto. Naku, misis mahihirapan ho yang anak ninyo paglaki nya kung ganyan sya!"
Sinong Bobo? Ayon, sa "grading system" at "report card" ng kung anong paaralan at institusyon; bobo ka,mahina sa klase, mababa ang IQ in short tanga! Paano nga ba nasusukat ang tunay na talino, galing at kakahayan ng isang tao? Ipinagsisigawan ng papel na ito sa sangakatauhan at sa buong mundo kung hangang saan lamang ang kakahayan mo. Dahil sa papel na ito, nawalan ka ng tiwala sa iyong sarili pakiramdam mo wala kang karapatang matuto, tumuklas at mabuhay...
Ika-apat na Papel:
"Congratulation, here is your DIPLOMA"
Para saan nga ba ang Diploma? Sabihin na nating reward mo ito sa napakahabang panahong inilagi mo sa apat na sulok ng inyong eskwelahan. Isang kapirasong papel, na akala natin ay magbibigay sa atin ng garantiya ng isang magandang bukas. Paano mo nga ba nakamit ang papel na ito?Naniwala ka ba na dahil sa papel na ito naisukat ng tama ang iyong kakahayan at pagkatao?
Ikalimang Papel:
"Pasensya na pero kailangan mong kumuha ng POLICE AT NBI CLEARANCE bago ka namin tangapin"
Bakit hindi na lamang nila sabihing kriminal at makasalanan tayong lahat? Ang papel na ito daw ang nagdidikta ng kalinisan ng iyong kalooban at pagkatao. Bakit, sino ba ang walang bahid ng kasalanan? Para saan ang tinatawag nating konsensya, na nagdidikta sa atin kung ano ang tama at mali?Ang papel na ito lamang ang nagbibigay garantiya na tayo ay hindi gumawa at hindi gagawa ng kasalanan. Hindi nga ba...?
Ika-anim na Papel:
" Please present your PASSPORT, hindi ho kayo makakalabas ng bansa kapag wala nito."
Ibig sabihin, wala kang karapatang maglakbay! Ang papel na ito lamang ang magbibigay sayo karapatan na pumunta at tuklasin ang ibat-ibang sulok ng daigdig. Kapag wala ka nito, para kang ibon na nakulong sa hawla, limitado ang iyong paggalaw at wala kang karapatang puntahan ang bawat lugar na naisin mo.
Ika-pitong Papel:
"Asan ang MARRIAGE CONTRACT nyo?"
Marriage Contract daw, para bang gusto nilang palabasin na ang pag-ibig ay isang bagay na makakamit mo lamang kapag may ganito kang papel. Ang papel na ito ang nagsasabi kung sino ang taong dapat mong makasama habang-buhay. Kung wala ka nito wala kang karapatang ipadama ang iyong pagmamahal sa taong gusto mo, ito rin ang magtatali sa iyo sa pag-ibig na kahit lumipas na ay dapat mong panindigan at tiisin sa ayaw mo't sa gusto.
Ika-walong Papel:
"Wala kang PERA? Pasensya ka!"
Kailangan pa bang pag-usapan ang halaga ng papel na ito? Sa lahat ng papel ito ang pinaka-importante, halos ito ang nagpapa-ikot ng ating buhay o ng buong mundo. Sa papel na ito nakasalalay kung ano ang katayuan natin sa lipunan, kung hangang kailan ang itatagal natin sa mundo, kung ano tayo at kung ano ang tingin sa atin ng marami. Ito ang pagkain, hangin, tubig, ligaya, kalungkutan at buhay nating lahat! Kapag wala ka nito makukuha mo na sa wakas ang huling PAPEL...
Ika-siyam na Papel:
"Juan Dela Cruz, born on Jan. 1, 1960, died on Jan. 1, 2005... cause of death, STARVATION... ito po ang nakasulat sa DEATH CERTIFICATE"
Ito ang huling papel, nagsasaad ng araw ng iyong kamatayan at ang sanhi nito. Sa karamihan ang papel na ito ay animo sumpa, kinatatakutan at wala ni isa man ang magnanais na makuha ang papel na ito. Subalit sa ayaw at sa gusto natin, darating din ang panahon na ang papel na ito ay mapapasa-kamay natin. Katulad na lamang ng mga naunang papel na nagpakilala sa ating pagkatao at nagbigay gabay kung paano natin patatakbuhin ang sarili nating buhay sa pamamagitan ng mga papel...
Ngayon itatanong nyo pa ba kung ano ang tunay na papel natin dito sa mundo? Malinaw na ang papel natin ay sumailalim sa kapangayarihan at magpa-alipin sa mga papel! Papel ang siyang nagpapatakbo sa buhay natin, ito ang bumubulong ng mga damdaming dapat nating maramdaman, ito rin ang nagsasabi ng tunay nating kakayahan at pagkatao. Ang papel ang ating pagkakakilanlan, kaya nitong sukatin, paikutin, pigilan at tapusin ang ating buhay sa mundong ito na pinaghaharian ng mga papel!
Samakatuwid ang papel ang tunay na ....DIYOS!!!
Written by: LUANN
Note: Any comments and suggestion are welcome.

Abril 4, 2005

Hear me....

i'm so tired of being here suppressed by all of my childish fears and if you have to leave i wish that you would just leave because your presence still lingers here and it won't leave me alone. now i will tell you what i've done for you 50 thousand tears i've cried screaming deceiving and bleeding for you and you still won't hear me don't want your hand this time i'll save myself maybe i'll wake up for once not tormented daily defeated by you just when i thought i'd reached the bottom. i'm dying again so go on and scream, scream at me i'm so far away. i won't be broken again i've got to breathe. i can't keep going under. Long lost words whisper slowly to me still can't find what keeps me here when all this time i've been so hollow inside. i know you're still there. i tried to kill the pain but only brought more i lay dying and i'm pouring crimson regret and betrayal i'm dying praying bleeding and screaming. Am i too lost to be saved? Am i too lost?. i linger in the doorway of alarm clock screaming monsters calling my name. let me stay where the wind will whisper to me. where the raindrops as they're falling tell a story. don't say i'm out of touch with this rampant chaos - your reality. i know well what lies beyond my sleeping refuge the nightmare i built my own world to escape. i lie awake and try so hard not to think of you but who can decide what they dream? and dream i do...i believe in you. i'll give up everything just to find you. i have to be with you to live to breathe. You're taking over me. i'm your mind giving you someone to talk to. if i smile and don't believe soon i know i'll wake from this dream. don't try to fix me i'm not broken. I'm the lie living for you so you can hide, don't cry. hold on to me love. You know i can't stay long. all i wanted to say was i love you and i'm not afraid. Can you hear me? can you feel me in your arms? holding my last breath. safe inside myself are all my thoughts of you sweet raptured light it ends here tonight. catch me as i fall. say you're here and it's all over now speaking to the atmosphere no one's here and i fall into myself. this truth drives me into madness. i know i can stop the pain. if i will it all away. don't turn away. don't give in to the pain. don't try to hide though they're screaming your name. don't close your eyes. God knows what lies behind them. don't turn out the light never sleep never die. i'm frightened by what i see, but somehow i know that there's much more to come. immobilized by my fear and soon to be blinded by tears i can stop the pain if i will it all away
Contributed by : PANIC QUEEN

Abril 3, 2005

OPISINA...

Pasado alas nuwebe na ng umaga at nandito pa rin ako sa terminal ng FX papunta sa Makati. Eh ako pa ang huli sa pila. ‘Nak ng teteng, sa susunod na FX pa ata me makakasakay. Pinagmamasdan ko ang mga pasaherong nakapila din. Mga pang office attire talga ang suot, skirt, blazer, high heels shoes with matching sun glasses sa ulo na feeling mo ba eh ung ulo ang naiinitan. Ung mga lalaki naman, as in formal looking. Naka long-sleeves with neckties, slack pants at ang sapatos….nangingintab at pwede ka ng manalamin and with matching gel pa ang mga buhok. Kaya kahit saan me mapunta, alam ko na kung sa Makati nagtratrabaho ang mga nakakasalubong ko or nakikilala.

Kunsabagay, sa amin nga, pag tinanong ka kung saan ka nag-wo-work at sinabi mong Makati, wow! Hanep, taas ng paggalang sa iyo. Tatadtarin ka ng mababangong salita at feeling henyo ang dating, sosyal at mapera. At dudugtungan pa nila sa huli ng …”makati girl/boy”. Tama ba un? Feeling perfect naman ako kung minsan dahil sa mga puna nila. Pero sa totoo lang, kalokohan ang mga iyon. Lalo na kapag nagtrabaho ka sa mga offices. Mga pasawaay na tao ang makikilala mo. Hindi ba bagay sa hitsura nila ‘yong mga pinag-gagawa nila sa buhay. Siymepre, malalaman mo lang yan pag na-oopisina ka. Eh ako pa, sa dami ng nalibot kong opisina at mga kwento ng mga kaibigan kong nag-oopisina, talagang marami kang matututunan (sana nga lang).

Marami akong kwento sa mga opisina, lalo na sa mga nag-o-opisina. Kunsabagay, hindi naman sa tsismosa ako, kundi, talaga lang naman na na-o-obserbahan ko ang mga tao.

Meron nga akong napasukan na opisina (as in napasukan, pumasok ako kasi hanap ko yung friend ko, binisita ko siya). Unang tingin ko pa lang, talgang sosyalan ang mga tao. Isa kasing Call Center ang napasukan ng friend ko. Siyempre, umaasa na ako na mga jologs ang mga tao dun at mga coñotic. Pag-pasok ko sa lobby, siyempre, receptionist ang kumausap sa akin. At in fairness, mataray siya! Mega-speak in English, siyempre, irritable ako dahil nabibisaya siya sa tono, tina-tagalog ko ang lola mo! As pure tagalog ang ginagamit ko. Paano ba naman na hindi ako ma-uurat, ganito ang banat sa akin – “hi, iskyus me, what can I do to you? You’re lokeng for whom miz?” At siyempre, napataas ang kilay ko. Sa isip ko, wala kang maitutulong sa akin. Pero hindi ako nagmataray. Okey na sana eh, ang kaso, habang hinahantay ko yung kaibigan ko, may dumating na isa ring receptionist, as in mega beso-beso sila at nag-umpisa ng humawak ng phone. Ang akala ko trabaho, at yun pala kausap ang jowa niya. Nag-i-I love you sa phone paano ko ba naman na hindi malalaman, eh dinig ng buong building ang boses. At ang tsika pa, nag-aaway sila ng jowa dahil may nakita siyang condom sa pitaka ng lalaki, eh hindi naman sila gumagamit nun. Tama ba ulit un? Ang dami pa nyang kwento, kaya lang, dumating na ‘yung friend ko kasama ang mga ka-officemates nya, at dahil mga coño ang tao, coño na rin siya. Speaking in English, may naririnig pa akong pilit kong mag-salita ng lenggwaheng banyaga. “Yong kaibigan ko, naki pag-beso-beso din sa akin, siyempre, ako naman, kunwari sosyal din, naki pag beso-beso sa kanya. Pina-kilala nya sa akin yung mga nagging friend din nya sa trabaho, kala ko nga mga taong espasol ang mga kaharap ko dahil sa sobrang kapal ng foundation at make-ups. (hindi sa panlalait pero totoo, promise)

Ang ganda nga ng building pero 48 years naman ang elevator, kaya tuloy siksikan kami sa loob. Pero sa isip isip ko, okay lang kasi mga coño ang kasabay namin at mababango kaya kahit maghalikan kami eh, ok lang. Kaya lang hindi nagging ganu’n ang sitwasyon namin. Kahit na siksikan, panay ang daldalan ng mga ingleserang pinoy at pinay.

May mga grupo ng babae sa loob at talagang malakas ang boses at pinadidinig pa nila sa lahat ang kanilang british accent. Pero ang pinag-uusapan nila ay kahalagahan ng wikang tagalog. Eh hindi ako naka-pagpigil, nasabi ko na “So, why in a british accent”? (kopya ko sa employer ng isa ko pang friend). Abah, lahat sila napalingon sa akin. Yung iba napangiti sa bara ko, ‘yung mga babae naman na nabara ko, tiningnan ako ng masama. Tinaasan ko nga ng kilay at nilakihan ko ng mata, oh eh di natahimik sila. Feeling ko ang tagal na namin sa loob ng elevator, Sinulyapan ko kung anong floor na kami, ‘nak ng teteng, nasa 15th pa lang, kunsabagay, galing kami ng 20th floor. Huminto sa 11th ang elevator at may pumasok na mga coñotic din. At pilit na sumiksik. Napagitnaan ako ng isang lalaki at babae. Akala ko tahimik na, abah, kwentuhan din sila. Gwapo ng lalaki in fairness. Kaya lang….nang magsalita, muntik na akong mahimatay. Sa hininga pa lang, alam ko na ang kinain nya ay binagoongan! At alamang ‘yung bagoong ha. Haayy….di na kayanan ng powers ko at humarap ako sa babaeng kausap nya. ‘Nak ng teteng, kung bagoong ung sa lalaki, parang nabulok na sibuyas naman ang nakain nya! Ano ba yan!? Gusto kong himatayin.

Mga ilang minuto din akong nag-tiis sa loob ng elevator. Buti na lang at nakalabas na kami. Nu’ng una akala ko walang ganong klaseng mga tao, meron din pala. Mga sosi pa sila kung titingnan mo.

Meron din ibang mga nag-o-opisina na mala-The Buzz ang dating. Tsismisan dito at tsismisan doon. Dalawang klase yan. ‘Yung unang The Buzz eh sa mga nag-o-opisina sa gobyerno at ung pangalawa ay sa mga private.

Sa Gobyerno, matatawag nating Live. As in live ang mga tsismisan. Para kang nasa studio. Kahit office hours, nasa loob ng opisina, walang pakundangan ang bugahan ng mga tsika. Kesyo nag text si juan ng gabi na at puro forward messages lang naman, kesyo ung nakain nya ay napakamahal, kesyo sales gn 50% ngayon sa SM, kesyo si ano ay na ano dahil kay ano at kung ano ano pa. Ang gulo nila! Kaya hindi sila matapos sa mga trabaho nila. Puro daldal. Isang sulat o encode sa computer or typewriter, naka isang libong salita na sa kakadaldal. Meron pang iba na palakad-lakad kala mo Bisor ang dating. Siyempre hindi rin mawawala sa mga nag-o-opis (kuno) ang mga tulala. As in natutulala dahil sa walang ginagawa o kaya naman mega texting sila. Kaya nga ba kapag pumasok ka sa mga opis nila, asahan mo, marami kang mapupulot na kwento, ang hindi mo kilala, makikilala mo.

Sa mga private naman, masasabing medyo may pag-ka sosyal pa rin ang tsismisan blues nila. Siyempre, trabaho sila. Pero kahit na nagtratrabaho sila, nagtsi-tsismisan din. Hindi mo kasi mahahalata, kunwari busy sila nagtratrabaho, pero alin ka, hindi pala. Makikita mo sa mga computer nila mga pop-up messages mula sa mga yahoo messenger or pop-up message box. O diba, sosyal talaga ang dating! Kung hindi mga paboritong artista ang pag-uusapan, o mga palabas sa sine, eh mga kapwa empleyado nila. Pero sa private, hindi uso ang tulala, kasi may internet na at mega surfing ang kanilang ginagawa.

Hindi pa diyan nagtatapos, kahit na sabihin mong ganoon sila mag-tsismisan, hindi pa ma-kokontento, pag-nagkikita-kita sa CR, ganun pa rin ang pag-uusapan, dahil sa tamad na mag-type ng mga words kaya mas gugustuhin pang personal at live na mag-kwentuhan. Siyempre, meron din iba na, coñotic nga kaya pupunta sa mga café, iinom ng kapeng kasing mahal ng mga signature clothes, pero ang pag-uusapan ang mga nangyari sa opisina. Parang ‘yung sa mga magkakaibigan na nanood ng sine, at paglabas ng sinehan, pagkwe-kwentuhan ang naponood. Eh sila sila rin naman yung nakapananood. May mga tsismisan din na talaga namang hindi mo alam kung matutuwa ka o maiinis eh. Mapa-canteen, Mapa- CR at elevator, ano sa tingin mo ang madalas na kwentuhan? hindi ang boss, hindi ang trabaho, kundi...ang telenovelas sa GMA or ABS. yung mga korean novelas na nauso ngayon! Pinangunahan yan ng walang kamatayan ng Meteor Garden, Endless Love (1, 2, 3), Lovers in Paris, Full House, Stairway to Heaven, Glass shoes, save the last dance for me, at kung ano ano pa. (naks di ba alam ko lahat, pano ba naman, eh ikaw ba naman sa araw araw na ginawa ng Diyos, pagsakay pa lang ng FX pagpasok sa office, yun na maririnig ko sa kapwa pasahero tapos sa office yun, sa CR, hangang sa pag-uwi, kaya kahit hindi ko pinapanood, alam ko na kwento)

Ganyan talaga ang buhay kapag nag-oopisina ka. Kung minsan, ikaw ang laman ng tsika nila. Abah, mahirap talaga pag empleyado ka. Kapag bago ka sa kompanya, very welcome sayo ang lahat. Mababait, at very friendly. At kapag nag-tagal-tagal na, iba na ang takbo ng buhay mo panigurado. Hindi dahil sa maraming trabaho kung hindi dahil sa mga taong naiinggit at madalas kang siraan. Ang pinoy kasi ay may ugaling crab mentality. ‘Yung tipong, ayaw nila na umaangat ka dahil nakikita nilang may potensyal ka at mas magaling. It's human nature. Nakakainis di ba?

May makikita ka rin sa mga opisina na para kang nasa big dome sa sobrang laki ng office pero bilang naman sa mga daliri ang mga empleyado. Meron din naman na para kang nasa cockpit arena. Nasubukan ko ng pumasok sa ganong opisina. Wow ang daming utaw! As in daming tao! Ang iingay! Absent kasi yung messenger namin sa office kaya me ang napag utusan. At 48 thousand years pa bago ako napansin. Meron pang isa, dahil sa sobrang laki ng opisina, pagpasok mo, wow nasa casino filipino ba ako? (hehehe) sa sobrang walang magawa, nag so-solataire or tong-its ang mga empleyado. (promise, totoo yun). Siyempre, wla naman ang boss pag nalalaro ng cards ang mga pasaway na empleyado or else "you're fired" ang kakalabasan nila. o di ba ang saya saya pag nag oopisina ka. Marami ka talagang matutunan (may natutunan nga ba? eh kau?). That's for now....till then..let's talk about something else....
written and contributed by: PANIC QUEEN

Taksil?...

Sa panahon natin ngayon o kahit noong panahon ng hapon, bihira kang makakarinig ng mga isyu o kuwento tungkol sa mga babaeng nangangaliwa, o nagtataksil sa kanilang asawa o nobyo. Mas madalas at halos normal na sa ating lahat ang makarinig tungkol sa mga asawang lalaking nangangaliwa o nagkakaroon ng mga kalaguyo o sa simpleng salita kabit.

Huwag na nating pag-usapan kung bakit karamihan o madalas sa mga lalaki ang magkaroon ng kalaguyo o magtaksil. Lumang usapin na yan! at kung tutuusin lumang usapin na rin iyong tungkol sa pagtataksil ng mga kababaehan. Bihira nga lamang itong pag-usapan o aminin noon at siguro magpasa-hangang ngayon. Madalas kapag ang karaniwang babae ang nagkasala (dahil itinuturing naman itong kasalanan ng karamihan) naibabaon kaagad sa limot ang mga isyung ganito dinadaan sa dasal at pangungumpisal...

Minsan may nagtanong sa akin "Naranasan mo na bang ma-inlove sa may asawa?" Parang gusto kong himatayin o tumawa ng malakas sa tanong na iyon ng kakilala ko. Sa loob-loob ko, wala na bang mas mahirap na tanong dyan? Pakiramdam ko, tinatanong lang ang mga ganoong klaseng tanong noong kapanahunan ng mga ninuno ko o kaya'y tinatanong lang yan sa mga madre! Masyado nang luma at ordinaryo! Pero bakit hangang ngayon may mga tao pa ring naiilang o natatakot na sagutin ang mga ganitong klaseng tanong?

Sinagot ko ang kakilala ko na medyo nagdadalawang isip pa yatang magtanong sa akin ng ganun. "Syempre! maraming beses na!" Pero hindi naman sa puntong ma-inlove talaga ako. Magkagusto siguro, madali akong magkagusto sa isang lalaki. At kapag sinabi kong gusto ko ang isang lalaki, ibig sabihin noon gusto ko syang ikama, makatalik o maka-sex!

Para sa akin walang masama kung makipag-talik man ako sa kahit na sinong lalaking gusto ko at gusto rin ako. Syempre, hindi natin pwedeng kalimutan iyong "safe-sex" mahirap na, baka mapa-aga ang pamama-alam ko dito sa mundo, sayang ang mga lalaking matitikman ko pa! he,he

Pero bakit nga ba? bakit ang isang katulad ko na may kinakasama na at masaya naman sa ka-live-in ko, at may isa nang anak ay hindi pa rin makuntento sa isa? Dapat nga ba isa lang? Kailangan ba talaga sa asawa o sa nobyo mo lang ikaw dapat makipagtalik? Bakit? Kung may batas man o likas sa "nature" nating mga tao ang maging tapat at maghangad ng katapatan sa kapareha natin o sa ating minamahal, bakit may mga nangangaliwa parin? Ibig sabihin ba nito abnormal, makasalanan at immoral ang mga taong sumusunod lamang sa bugso ng damdamin nila?

Hindi naman pwedeng sabihing tawag lang ng laman ang nararamdaman ng mga taong nangangaliwa. Lalo na't ang mga kalaguyo nila ay hindi naman ginagawang negosyo ang paglalako ng katawan. Ibig sabihin, binibigay nila ng libre at nakukuha nila ng walang kapalit ang mga kapareha nila. Lalo na kung sa tuwing ginagawa nilang magtalik ay nakakaramdam sila ng saya, satisfaction, o kahit hindi man orgasm basta masaya sila at walang pagsisisi sa kanilang ginawa.

Katulad ko, aaminin ko marami na akong nakatalik, o kung matatawag mang kalaguyo iyong isa o dalawang beses mong nakasiping. Mayroong may asawa, may nobya, may kinakasama, may mas bata sa akin ng ilang taon o mas matanda naman sa akin ng sampung taon, may kaibigan o kabarkada ko,may katrabaho, may babae, may kamag-anak,at meron namang isang beses ko pa lamang nakikita. Halos lahat ng mga iyon ay ginawa o naranasan ko habang may kinakasama o may boyfriend ako!

Hindi naman ako nakikipagtalik para kumita ng pera, o kaya'y mangulo sa mga may asawa na, basta gusto ko lang. Kapag nararamdaman kong type ko ang isang tao at gusto ko syang matikman sasabihin ko sa kanya o ipaparamdam ko sa kanyang gusto ko sya. Bakit? Lalaki lang ba ang pwedeng magmayabang at magsabing "Natikman ko na iyan o naikama ko na yan!" Bilang isang babae, naniniwala ako na kahit anong magagawa ng mga lalaki ay kaya rin nating mga babae, at hindi ako mahihiya at sabihin ang mga ganoong salita.

Aaminin ko, sa lahat ng mga "sexcapade" o "pagtataksil" ko ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng "sexual satisfaction" o "orgasm". Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng katotohanang iyon ay patuloy ko pa ring ginagawa ang makipagtalik sa iba bukod sa BF o kalive-in ko. Iyong kinakasama ko lang talaga sa loob ng halos limang taon (fyi, sya ang first bf ko) ang talagang nagbibigay sa aking ng "ultimate satisfaction" pagdating sa sex, at naniniwala ako roon dahil kung tutuusin marami akong "point of comparrison". At sa kabila ng mga pangangaliwa ko, hindi ko maitatawang mahal na mahal ko ang kinakasama ko.

Mahal ko ang BF ko, pero bakit nga ba nagagawa ko pa ring pumatol at makipagtalik sa ibang lalaki? Siguro dahil gusto kong mapatunayan sa sarili ko na kaya ko pa ring maka-akit ng ibang lalaki? O, gusto kong malaman kung may maghahangad pa sa akin, "in terms of sexuality" sa kabila ng hitsura ko at katayuan sa buhay. Pwede ring sabihin nating, gusto kong alamin kung hangang saan ang limitasyon ko. Pakiramdam ko kasi masyado na akong malaya, o inaabuso ko nga ba ang sinasabi nilang kalayaan? Gusto kong malaman kung ano nga ba at saan hahantong ang buhay ng isang babaeng katulad na wala na atang konsepto ng "morality", bawal at batas.

O siguro masarap lang talaga ang gumawa ng bawal at labag sa batas ng nakararami... ano sa tingin nyo?


Amores Perros

"Loves a Bitch!" Bakit nga ba? Napakaraming negatibong karanasan at damdamin ang naidulot sa atin ng pag-ibig. Sabihin na nilang "bitter" ako, wala akong pakialam! Oo ngumata ako ng sangkatutak na hilaw na ampalaya, with matching ampalaya shake!
Naranasan nyo na bang mag-mahal? Ako naranasan ko na, sa katunayan maraming beses na. At habang dumarami ang mga taong minamahal ko at nagmamahal sa akin,lalo lamang tumitindi ang kalungkutan ko at hangarin na tapusin na ang mapait na buhay na dulot ng pag-ibig.
Sino nga ba ang taong una kong minahal? Syempre ang una kong nakagisnan dito sa mundo ang mga magulang ko. Mahal na mahal ko sila at doble ang pagmamahal na ibinigay nila sa akin. At dahil sa pagmamahal na ito ng magulang sa anak, hindi ko lubos na naranasan ang maging isang tunay na paslit! Ang maglaro hangang sa gusto ko at pumunta sa mga lugar na gusto kong puntahan. Dahil sa pagmamahal na ito ng tinatawag nating magulang nagawa nilang ipagkait sa atin ang kalayaang tuklasin ang mundo sa sarili nating paraan.
Dumarating sa puntong ang mga anak ay mapipilitang pumunta sa malalayong lugar upang mag-aral o mag-trabaho at mapalayo sa kanilang mga magulang sa mahabang panahon. At dahil mahal ng mga anak ang kanilang mga magulang; at ganun din ang mga magulang sa anak walang ginawa ang bawat isa kundi ang magmukmok at umiyak sa pangungulila. Kitam! walang naidudulot ang pag-ibig kundi puro luha at sama ng loob.
Kapag dumarating naman sa puntong naibsan o nakalimutan mo na ang pangungulila sa magulang, may mga tao namang darating para guluhin muli ang mapayapa mo nang mundo. Magkakaroon ka ng crush! at maiinlove ka sa isang mapagbalat-kayong sugo ni satanas! Magkakaroon ka ng boyfriend na mamahalin mo "raw" at magmamahal din "daw" sayo; na magdudulot ulit ng panibagong kalungkutan, gulo at insecurity sayo! Ang away sa pagitan ng mga magkasintahan ay hindi na bago sa ating lahat, at ang malala pa nito minsan dumarating sa punto na isa o silang dalawa ay mapapatay dahil sa tindi ng pag-ibig sa isat-isa!
Kung hindi nyo naman napatay ang isat-isa sa dami ng mga naging away nyo, syempre pa magpapakasal kayo! At magkakaroon ng anak, madadagdagan muli ang mga taong mamahalin mo at syempre magdudulot na panibagong sakit ng ulo. Dahil sa may mga anak na kayo, marami na kayong hindi ma-e-enjoy, at mababawasan na rin ang panahon at oras nyo sa isat-isa. Dahil sa pagmamahal mo sa anak magiging losyang ka at ma-i-insecure hangang sa iwanan ka ng asawa mo! Na magdudulot nanaman ng panibagong pait, kalungkutan hangang sa dumating ang panahong gusto mo na lamang mamatay!
Sasabihin nila may mga kaibigan namang magmamahal at dadamay sayo sa oras ng iyong pag-iisa. Siguro totoo nga, pero kadalasan kung sino pa ang mga taong pinagkatiwalaan mo minahal at itinuring na kaibigan ay sila pa ang unang manloloko sayo.
Talagang walang maidudulot na maganda ang pag-ibig! hindi nyo ba napapansin habang dumarami ang mga taong minamahal mo at nagmamahal sayo, nadadagdagan din ang responsibilidad mo sa ibang tao, natatali ka at halos umikot na ang buhay mo sa kanila, nawawalan ka ng kalayaan at oras para sa iyong sarili. Hangang sa dumating ang panahong makakalimutan mo kung sino at ano ka nga bang talaga, at ano nga ba ang kaluhugan ng kalayaan at tunay na pag-ibig.
LOVE'S A BITCH, AMORES PERROS!

WALANG MAISULAT

Gusto kong magsulat pero wala naman akong maisulat! Pakiramdam ko lahat na yata ng bagay, topics, pakiramdam, karanasan, kasalanan, kasiyahan pati ang mga bagay na ewan, kung bakit naisusulat pa kagaya ng basura, laway, sakit, langaw pati tungkol sa tae at utot ay naisulat na!
Kasalanan ko bang late akong ipinanganak? 1980... saka ko pa lamang nadiskubre ang mundo! At siguro umabot pa ako sa limang tang gulang bago ako nagkaroon ng kamalayan sa mga bagay bagay.At ang masakit pa nito hindi ko matandaan sa edad ko nagyong 25, kung ano ang mga kaganapan at karanasan ko noong bata pa ako! Paano ko nga naman maisusulat ang mga karanasang hindi ko man lamang naitanim sa maliit na kokote ko?Weird diba? O sadyang ganito lang talaga ang mundo sa mga taong katulad ko na nagsisimula pa lamang bumuo ng pangarap ay nawawalan na ng pag-asa?
Sabi nila makakatulong daw ang pagbabasa, dahil daw sa pagbabasa ay lumalawak at nadadagdagan ang ating kaalaman. Amputsa! eh pwede na yatang gumawa ng mini-library sa utak ko sa dami ng mga nabasa ko, libro, komiks, nobela, at pati ung mga kwentong pambata ay binasa ko na yata lahat pero hindi pa rin ako makapagsulat o wala pa rin akong maisulat! Paano mo nga naman isusulat ang mga ideyang nabasa mo lamang at isunulat na ng kung sino mang author ng mga babasahin? Parang malaking kalokohan naman yata yung nabasa mo na isinulat mo pa?! Sino namang tanga bukod sa mga kaibigan at malalapit na mga kamag-anak mo ang magbabasa ng mga yun diba?
Magworkshop daw ako! O sige workshop naman si gaga, creative writing at scriptwriting pa! Teka may naisulat naman ba ako? Bukod sa mga activities at kumopya ng mga notes tungkol sa basic scriptwriting at creative writing wala naman akong naisulat na bago at kakaiba.Inubos na nga ba mga matatandang manunulat o mga nobelistang nauna lang ipinanganak sa akin ng ilang araw ang mga bagay na dapat isulat o gawan ng kwento?
Buhay nga naman, gusto mong magsulat pero wala ka namang maisulat! Inikot ko na yata lahat ng pwedeng pwesto sa upuan para maging komportable at masimulan na ang pagsusulat ganun pa rin wala akong maisulat! Mag-isip kaya ako ng inspirasyon? Paano nga ba gumawa ng inspirasyon? Sa taong katulad ko na lahat na yata ng mga bagay sa mundo ay pinahalagahan ko na at itinuring na yaman para maging inspirasyon ay nauubusan din. Katulad ngayon, gusto ko sanang gawing inspirasyon ang ipis na gumagapang sa sahig para makapagsulat hindi pa rin tumalab! Wa epek sabi nga nila! Nakalimutan ko, kagabi nga pala'y ipis ang ginawa kong inspirasyon para magkaroon ng mood sa panonood ng TV, syempremas pipiliin mong panoorin nalang ang nakakasukang teleseryeng Kristala keysa lumilipad na ipis diba?
O sya sige na nga suko na ako! Wala talaga akong maisulat siguro ito na ang tamang panahon, oras at pagkakataon para i-give-up ko na ang pangarap kong makagawa man lamang ng isang literary piece...Teka hindi ba't kanina pa ako nagsusulat? At kanina ka pa rin nagbabasa! Oh well, pwede rin palang isulat yung walang maisulat! Bwa,har,har,har may Diyos nga!
Note: Pwedeng mag-react!posted by Luann at 12:11 AM 0 comments